Napakabigat ng bawa’t hakbang ng binatang si Joshue papasok sa Manila City Jail.
Panganay sa
tatlong magkakapatid si Joshue, mataas para sa gulang niyang disiotso anos,
matipuno ang katawang hinalikan ng araw sa kintab, may matangos na ilong,
manipis na labi na tila namamaga sa pula, buong ngipin na kumikislap na
kaputian masasabing isang diyos ng kaguwapuhan.
Siya na lang
ang bumibisita sa ama niyang nasa bilangguan. May limang buwan nang nakakulong
ang kanyang ama sa salang pagnanakaw ng pera sa kumpanya niyang pinapasukan.
Nangailangan kasi ng malaking halaga ang pamilya nila nang maisalilaim sa
operasyon ang mga tuhod ni Joshue dahil na rin sa laro nitong basketball.