"Oh Harold, dalhin mo tong pagkain sa Tito Dan mo", ang sabi ni nanay sakin sabay abot ng basket. Dahil sabado, nasa bahay lang ako’t nanonood ng tv. Nakasimangot kong kinuha ang basket kay nanay at padabog na lumabas ng bahay.
"Ikaw na bata ka. Minsan ka na nga lang uutusan ha", ang pagalit na sabi ni nanay. "Pangdalawang tao na yang pagkain dyan. Sabayan mo na rin syang kumain."
"Opo.", ang pasigaw kong sagot. Nakalabas na ko ng bahay at pasakay sa aking bike.
"Wag mo kong ma-opo-opo dyan. Hala lumakad kana at tanghali na", ang pahabol pa ni nanay.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako naiinis at inutusan ako ni nanay na dalhan ng pagkain si Tito Dan. Natutuwa pa nga ako dahil excited na kong makita si Tito. Pero hindi dapat mahalata ni nanay na excited ako. Baka malaman pa nya ang lihim kong pagkagusto kay Tito. Sa tuwing nakakasalo namin si Tito sa pagkain, panakaw-nakaw ako ng tingin sa kanya. Minsan nahuhuli nya akong tumitingin at lagi naman nya kong sinusuklian ng ngiti. Hindi naman napapansin nina nanay at tatay ang ginagawa ko.

